Archive for August, 2009

isang bungkos ng mga rosas at isang boteng gin

Thursday, August 6th, 2009

petsa: ika-dalawa ng agosto,taong dalawang libo at siyam: lugar: cavite–isang araw bago ang araw ng aking kapanganakan..araw din ng chibug..pinaghanda ako ng mga mahal ko sa buhay..simpleng handaan lang naman..napakaligaya ko hindi lang dahil na bochog ako kundi nakatanggap ako ng isang bungkos ng mga rosas mula sa espesyal na nilalang..pangako ko sa sarili ko na mahahalikan ko ang unang magbibigay sakin ng bulaklak, kahit isa lang at kahit anong uri pa ito basta mula sa puso (haay..isa sa mga kabaduyan..loko lang) hindi nga lang natupad kasi madaming makakakita…kaya para sa iyo ito kung mababasa mo man…isang matunog na halik mula sa aking puso at kaluluwa,,,hahahaha..TSUP…

ika-tatlo ng agosto,taong dalawang libo at siyam : pook: las pinas–araw mismo ng kapanganakn ko..wala ng ulam, spaghetti at mga kakanin..dalwa na lang kami ng pinsan ko sa bahay..nagyaya siyang mag inuman..ang gusto niya sana ay redhorse..ngunit ayaw ng may kaarawan..nagpasya kaming gin bulag at juice na lang ang inumin..hindi na sya nakahirit dahil hind naman sya ang magbabayad..kinagabihan. bandang alas nuwebe ng gabi, parang gusto ko nang umatras at ipagpaliban ang toma dahil hindi pa man eh lango na ko sa antok..ngunit hindi pumayag ang lasengga kong pinsan..binigyan ako ng isang pagkapangit na simangot kaya wala na kong nagawa..nagumpisa na kong magtimpla..

unang timpla: isang pakete ng juice (pineapple orange) na hinalo sa kulang sa kalahating pitsel ng tubig..nilagyan ng kalahating bote ng gin at isang yelo..tinikman..parang matabang..malambot na kasi ang yelo at madaling natunaw at hunalo na sa juice at gin..hindi ako nasiyahan..

niretokeng timpla: dinagdagan ng isa pang pakete ng juice (parehong flavor)..hinalo..tinikman..matapang ang juice..hindi ako nasiyahan..binuhos ko na lahat ng laman ng bote ng gin..

kaunti na lang ang natitira..ayoko ko na..pinaghalong antok at tama ng inumin ang dumapo sakin..hindi na kitaya ng katauhan ko..nagpaalam na ko sa pinsan ko at umakyat sa taas para humimlay..

ika-apat ng agosto, taong dalawang libo at siyam: lugar: las pinas: oras: ika-tatlo ng madaling araw..

eksena:

tito e: mga lasengga kayo!

ako: bertday ko naman eh..sabay ngiti..

ika-apat ng agosto, taong dalawang libo at siyam: lugar: las pinas: oras: ika-walo siguro

eksena:

tito e: nagulat ako..naubos niyo ang isang bote ng gin ng kayong dalawa lang!!

ako: may juice naman eh..ngunit napaisip ako..oo nga no?..matapang pala..hindi lang halata kasi madaming juice..wahahahaha..

maligayang bati sa aking kaarawan…